- Details
- Written by QMO
- Category: News and Events
- Hits: 694
Pinangunahan nina Dr. Noel Reyes, Medical Center Chief, at Dr. Beverly Azucena, CMPS ng Hospital Service, kasama ng iba pang miyembro ng Executive Committee, at mga hepe ng iba’t ibang Pavilions at Sections, ang pagpapasinaya ng Pavilion 11 o ng Neuropsychiatry Pavilion ng National Center for Mental Health noong Mayo 5, 2023.
Nagsilbi bilang panauhing pandangal si Dr. Leonor Cabral-Lim na isang dalubhasa sa larangan ng Neurology at miyembro ng Philippine Council for Mental Health. Binigyang diin nito ang kahalagahan ng pagbibigay pansin sa mga karamdaman na may kaugnayan sa neurology at mental health.
Kasabay din nito ay ang paglulunsad ng mga bagong serbisyo ng NCMH katulad ng Transcranial Magnetic Stimulation (TMS), Electromyography (EMG), Nerve Conduction Velocity (NCV), at Electroencephalography (EEG).
Ang mga nabanggit na pagbabago ay naaayon sa ipinapatupad na NCMH Strategy Map, kung saan layunin ng ospital na maging isang National Specialty at Reference Center sa larangan ng mental health.
Pinasalamatan naman ni Dr. Beverly Azucena ang mga nagsipagdalo lalong lalo na ang presensya ni Dr. Cabral-Lim. Gayunman, binigyang diin nito ang mga karagdagan at bagong serbisyo na hatid ng ospital para sa pagpapabuti ng mental health sa bansa.