- Details
- Written by Quality Management Office
- Category: News and Events
- Hits: 996
NCMH ROLLS OUT BIVALENT COVID-19 VACCINES
Pormal ng sinimulan ng National Center for Mental Health ang pagbibigay ng bivalent vaccine laban sa COVID-19 sa mga healthcare workers nito. Pinganuhan ng mga opisyales ng NCMH sa pamumuno ni Dr. Noel V. Reyes, Medical Center Chief, ang pagtanggap ng ikatlong booster dose.
Sa pakikipagtulungan ng NCMH COVID-19 Vaccination Team at ng MandaVax Team (Mandaluyong LGU), ay nakatakdang mabakunahan ang mga empleyado ng NCMH mula July 3 - 14, 2023 sa NCMH COVID-19 Vaccination Center.
Ang inisyatibang ito ay kasunod ng panawagan ng DOH na hikayatin ang lahat lalo na ang mga healthcare workers na pagtibayin ang kanilang immunity laban sa COVID-19 sa pamamagitan ng pagpapabakuna ng bivalent booster.
Para sa mga impormasyon tungkol sa bivalent COVID-19 vaccines, maaaring makipag-ugnayan sa inyong mga lokal na pamahalaan.