Nakikiisa ang National Center for Mental Health (NCMH) sa Anti-Red Tape Authority (ARTA) sa pagdiriwang ng Ease of Doing Business (EODB) Month ngayong Mayo 2025, na may temang "From Red Tape to Red Carpet: Better Business Movement in a Bagong Pilipinas." Alinsunod sa Proclamation No. 818, na opisyal na nagtatalaga sa buwan ng Mayo bilang Ease of Doing Business Month, layunin ng programa ang muling pagpapatibay sa pangako ng pamahalaan sa pagsulong ng mahusay, bukas sa publiko, at may pananagutan na pamamahala at pagbibigay ng serbisyo.
Sa buong buwan ng Mayo, ang NCMH ay makikipag-ugnayan sa mga stakeholders, kabilang ang mga empleyado at mga gumagamit ng serbisyo nito sa pamamagitan ng iba’t’ ibang serye ng mga aktibidad. Kabilang dito ang patuloy na RA 11032 Orientation Sessions na naka- iskedyul sa Mayo 8 at Mayo 16, kung saan layunin ng ospital na magkaroon ng 100% ng mga empleyado na lumahok sa pagsasanay na ito. Magkakaroon din ng Poster Making Contest na may temang “From Red Tape to Red Carpet”. Ito ay bukas para sa lahat ng empleyado ng NCMH at ang magwawagi ay magkakaroon ng 3000 pesos at ilalaban ang kanyang gawa sa national level na pangungunahan ng Anti-Red Tape Authority. Gaganapin naman ang ARTA Fun Run sa Mayo 11 sa lungsod ng Quezon, kung saan ang lahat ng ahensiya ng gobyerno kabilang ang private sectors ay iniimbitahang dumalo para sa mas maigting na pagkakaisa ng bawat isa. Magsasagawa naman ang NCMH CART ng Frontline Compliance Inspection sa buong ospital bilang bahagi ng layuning mas lalo pang mapabuti ang paghahatid ng serbisyo sa publiko alinsunod sa mga pamantayan ng EODB, kabilang ang visibility ng Citizen's Charters, pagsunod sa mga timeline ng serbisyo, at ang pangkalahatang kahusayan ng pagharap sa mga kliyente.
Sa pamamagitan ng mga pakikipag-ugnayan na ito, nilalayon ng NCMH, kaagapay ang ARTA, na itaguyod ang isang nagkakaisang kilusan tungo sa pagbabawas ng burukratikong red tape, pagpapahusay at pagpapabilis ng pagbibigay ng serbisyo, at sa huli ay pagpapabuti ng kalidad ng buhay ng bawat Pilipino. Hangad ng NCMH ang makapagbigay ng dekalidad at naaayon na mga serbisyo sa kalusugang pangkaisipan para sa isang malusog na pag iisip at maginhawang pamumuhay para sa lahat. - QMO Client Concerns Unit